Tungkol sa Non-acceptance Request

2020/11/9
Tungkol sa Non-acceptance Request
  Ang request na eto ay para maiwasan ang maling tala sa family register dahil sa pagpapatala na lingad sa kaalaman at intensyon ng may-ari ng family register. Isa sa mga ito ay ang Pagpapatala ng Divorce.
 
Non-acceptance Request mula sa isang dayuhan
  Ang isang dayuhan ay maaring magpasa sa Japan ng non-acceptance request laban sa isang Hapon, ngunit ang mga diplomatikong tanggapan ng Japan sa iba’t-ibang bansa ay hindi maaring tumanggap ng non-accpetance request mula sa dayuhan. (Mga Hapon lamang ang maaaring mag pasa ng non-acceptance request sa mga diplomatikong tanggapan ng Japan sa iba’t-ibang bansa.)
  Ayon sa panuntunan, ang isang dayuhan ay kailangang personal na magpasa ng non-acceptance request sa city/ward/town/village office ng Japan. Kung sakali hindi makapagpasa ng personal ang isang tao dahil sa karamdaman or hindi maiiwasang dahilan, maaring maipasa ang non-acceptance request sa pamamagitan ng pagbigay ng nakanotaryo na dokumento na nagsasaad ng mga sumusunod: 1) intensyong mag request ng non-acceptance 2)petsa ng request 3)pangalan, araw ng kapanganakan, tirahan at tinutukoy na family register ng taong nagpapasa ng request (Ordinansa sa Pagpapatupad ng Family Register Act  Artikulo 53-4-4). Mangyari lamang na makipag-ugnayan sa namamahalang kagawaran sa nakatakdang city/ward/town/village office sa Japan.