*Mayroong 2 tipo ng “Specified Skilled Worker,” ang “i” at “ii.” Gayunpaman, ipapaliwanag dito ang tungkol sa “i” na naaangkop sa karamihang tao.
Isa sa mga pangunahing katangian ng SSW ay ang sistema ng lubos na suporta mula sa organisasyon sa Japan. Panatag na makakapagtrabaho ang mga taong darating sa Japan bilang SSW habang natatanggap ang mga sumusunod na halimbawa ng suporta mula sa kanilang employer.
1. Bago ka dumating sa Japan, tatanggap ka ng patnubay ukol sa pamumuhay sa Japan sa wikang iyong naiintindihan.
2. Sasalubungin ka sa paliparan pagdating mo sa Japan, at ihahatid ka naman hanggang sa paliparan kapag uuwi ka sa iyong bansa.
3. Susuportahan ka sa pag-aasikaso sa mga proseso ng pag-uupa ng bahay, pagbukas ng bank account, pagkuha ng cellphone at serbisyo ng gas, kuryente, at tubig sa Japan.
4. Para sa iyong pamumuhay, magsasagawa ng orientation tungkol sa mga patakaran at manners sa lipunan ng Japan, kung paano gamitin ang pampublikong transportasyon, at kung ano ang gagawin kapag nagkaroon ng sakuna tulad ng lindol.
5. Susuportahan ka sa pagpaparehistro bilang residente sa city hall ng iyong tinitirahang lugar, mga proseso para sa pagbayad ng buwis, at paglikha ng mga dokumento.
6. Susuportahan ka upang higit mo pang mapag-aralan ang wikang Hapon.
7. Kapag nagkaroon ka ng problema, maaari kang makipagkonsulta gamit ang iyong katutubong wika o sa English at makatanggap ng payo.
8. Gagawa ng mga oportunidad para makasalamuha mo ang mga Japanese upang agad kang masanay sa lipunan ng Japan.
9. Kapag kailangan mong umalis sa trabaho sa dahilan ng kumpanya, susuportahan ka sa paghahanap ng panibagong pagtatrabahuhan.
10. Regular na magdaraos ng meeting kung saan makikipag-usap tungkol sa iba’t ibang bagay kasama ang SSW support in-charge ng kumpanya.
Tungkol sa mga Accepting Organizations
1. Mga pamantayan upang makatanggap ng mga dayuhan ang Accepting Organization
①Wasto ang kontrata sa pagtatrabaho na pinirmahan ng dayuhan
②Ang organisasyon mismo ay wasto (hal. walang paglabag sa mga batas na may kaugnayan sa imigrasyon o labor sa nakaraang 5 taon)
③May sistema ng pagsuporta sa mga dayuhan (hal. may kakayahang magbigay ng suporta sa wika na naiintindihan ng mga dayuhan)
④Angkop ang mga plano ng pagsuporta sa mga dayuhan (hal. kabilang ang oryentasyon ukol sa araw-araw na pamumuhay, atbp.)
2. Mga tungkulin ng Accepting Organization
①Siguraduhin na ang mga kontrata sa pagtatrabaho na pinirmahan ng mga dayuhan ay natutupad (hal. maayos na nagbabayad ng suweldo)
②Angkop ang pagsuporta sa mga dayuhan
→Maaring i-outsource ang suporta sa Registered Support Organization.
Kung lubusang naka-outsource, natutupad din ang 1③
③Magsumite ng iba’t ibang notipikasyon sa Immigration Services Agency
(Paalala) Kung ang ① hanggang ③ ay hindi napapatupad, dagdag pa sa hindi maaaring tumanggap ng mga dayuhan, puwede rin silang mabigyan ng patnubay o utos ng pagbubuti mula sa Immigration Services Agency.
Tungkol sa mga Registered Support Organizations
1. Pamantayan para sa pagrehistro
①Ang organisasyon mismo ay wasto (hal. walang paglabag sa mga batas na may kaugnayan sa imigrasyon o labor sa nakaraang 5 taon)
②May sistema ng pagsuporta sa mga dayuhan (hal. may kakayahang magbigay ng suporta sa wika na naiintindihan ng mga dayuhan)
2. Tungkulin ng mga Registered Support Organizations
①Magbigay ng angkop na suporta sa mga dayuhan
②Magsumite ng iba’t ibang notipikasyon sa Immigration Services Agency
(Paalala) Maaaring kanselahin ang rehistrasyon kung napabayaan ang tungkulin bilang ①〜②.