Prosesong gagawin bago magtrabaho sa Japan bilang SSW

Pangkalahatang Daloy

Ang pangkalahatang daloy na daraanan upang makapagtrabaho sa bansang Hapon bilang SSW ay ayon sa sumusunod. (Ang sumusunod na flowchart ay paliwanag tungkol sa SSW (i).) Gayunpaman, nag-iiba nang bahagya ang proseso depende sa bansa, may mga bansa na may sariling proseso para sa loob ng bansa (para sa mga detalye, mangyaring makipag-ugnay sa ibaba).

Sa bansang Hapon

Ugnayan Migrant Workers Office in Tokyo (formerly POLO or Philippine Overseas Labor Office Tokyo)
Address Embassy of the Republic of the Philippines 5-15-5 Roppongi, Minato-ku, Tokyo 106-8537
Numero ng telepono 03-6441-0428
03-6441-0478
03-6441-0959
Numero ng FAX 03-6441-3436
Email address mwo_tokyo@dmw.gov.ph
polotky@philembassy.net
Suportadong wika English, Filipino, Japanese
Ugnayan Migrant Workers Office in Osaka (formerly POLO or Philippine Overseas Labor Office Osaka)
Address 7/F FPG Links Midosuji, 4-3-5 Awaji-machi, Chuo-ku, Osaka, Japan 541-0047
Numero ng telepono 06-6575-7593
070-2275-6082
070-2447-4016
Email address mwo_osaka@dmw.gov.ph
Suportadong wika English, Filipino, Japanese

Pilipinas

Ugnayan Department of Migrant Workers - Japan Desk
Address 6th Flr., Blas F. Ople Building, Ortigas Ave. cor. EDSA, Mandaluyong City 1550
Numero ng telepono (+63) 2.8663.0445
(+63) 967.097.9806
Email address japandesk@dmw.gov.ph
Suportadong wika English, Filipino
Una, ang requirements para sa mga dayuhan ay ang sumusunod:
Para sa mga dayuhang bagong paparating sa bansang Hapon matapos makapasa sa pagsusulit sa labas ng bansang Hapon (kakayahan/wikang Hapon), o mga dayuhang matagumpay na natapos ang Technical Intern Training (ii) at exempted sa pagsusulit (kakayahan/wikang Hapon), sila ay pipirma ng kontrata sa pagtatrabaho sa accepting organization sa pamamagitan ng direktang pag-apply sa alok na trabaho/pagtanggap ng tulong sa pag-apply ng trabaho mula sa pribadong employment agency.
Pagkatapos ng aplikasyon para ma-isyu ang Certificate of Eligibility, ang Regional Immigration Services Bureau ang magpapadala ng Certificate of Eligibility sa accepting organization.
Pagkatapos, isumite sa Embahada sa ibang bansa ang Certificate of Eligibility na ipinadala ng accepting organization para sa aplikasyon ng visa.
Pagkatapos ng pagsusuri at kung ang visa ay ma-issue, maari ng pumasok ang dayuhan sa bansang Hapon at magsimulang magtrabaho sa accepting organization.

  • ※1Pagsusulit na naaangkop sa klasipikasyon ng trabaho sa itinakdang industriya
  • ※2・Japan Foundation Test for Basic Japanese (Japan Foundation)
    o
    Japanese Languange Proficiency Test (N4 o higit pa) (Japan Foundation/Japan Educational Exchanges and Services)
    Atbp.
  • ※3○ 18 taong gulang pataas
    ○ Pumasa sa pagsusulit ukol sa kakayahan at pagsusulit sa wikang Hapon (exempted ang mga dayuhang matagumpay na natapos ang Technical Intern Training (ii))
    ○ Hindi nanirahan nang higit sa total na 5 taon sa bansang Hapon bilang Specified Skilled Worker (i)
    ○ Hindi siningilan ng security deposit o pumirma ng kontratang mayroong multa
    ○ Kung mayroong mga gastusing kailangan sagutin mismo ng aplikante, ang mga detalye ng responsibilidad nito ay lubos na nauunawaan.
    Atbp.
  • ※4○ Pagdalo sa orientation tungkol sa pamumuhay na isinasagawa ng Accepting Organization
    ○Pagrehistro bilang residente sa munisipalidad atbp. ng iyong tinitirahan
    ○ Pagbukas ng bank account upang makatanggap ng suweldo
    ○ Pagkuha ng tirahan
    Atbp.

Tungkol sa Test

①Pagusulit para sukatin ang kakayahan sa wikang Hapon (para lamang sa SSW (i))

Sa pagkuha ng status of residence na SSW (i),”, kinakailangang pumasa sa “Japan Foundation Test for Basic Japanese (JFT-Basic)” o sa N4 ng “Japanese-Languange Proficiency Test (JLPT)” na isinasagawa sa bansang Hapon at sa bawat bansa. (Hindi kinakailangan para sa SSW (ii).)

*Para sa “Nursing Care,” kailangan din pumasa sa “Nursing Care Japanese Language Evaluation Test”

②Skill test

Sa pagkuha ng status of residence na “Specified Skilled Worker,” kinakailangang pumasa sa “pagsusulit ukol sa kakayahan” ng bawat itinakdang industriya na isinasagawa sa bansang Hapon at sa bawat bansa.

Blossom! in Japan.

Ang mga sumusunod na videos ay ginawa noong Marso 2022. Mula Abril 2024, mayroon nang 16 na larangan ng industriya.

  • Play movie in a new window:14 in demand occupations
  • Play movie in a new window:Specified Skilled Workers supported in work & life
  • Play movie in a new window:utilize your skills experience
Page Top