Philippine Department of Justice Bureau of Immigration Memorandum Circular No. 2023-004: “Guidelines on Philippine Nikkei-Jin”
2023/8/14
(English)
Para sa mga natitirang Japanese na naiwan sa Pilipinas pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang mga multa at immigration fee batay sa Japanese nationality kapag aalis at muling papasok sa Pilipinas ay ipagpapaliban mula ngayon.
1 Etong Hulyo 5, 2023, inilabas ng Department of Justice ng Pilipinas ang Immigration Memorandum Circular No. 2023-004, na pinamagatang “Guidelines on Philippine Nikkei-jin.” Ayon sa guideline, ang multa at immigration fee na ipinapataw sa mga natirang Japanese na naiwan sa Pilipinas pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig kapag lalabas at muling papasok ng Pilipinas na walang Philippine passport ay ipagpapaliban kung makakuha sila ng sertipikasyon galing sa Bureau of Immigration na nagpapatunay sa estado nila bilang “Philippine Nikkei-jin.”
2 Ayon sa guideline, upang makakuha ng sertipikasyon (BI Order) mula sa Bureau of Immigration, ang natitirang Japanese na naiwan sa Pilipinas pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay kailangang ipasa ang sumusunod na tatlong dokumento sa Commissioner ng Bureau of Immigration na matatagpuan sa Magallanes Drive, Intramuros, Manila.
a. Notarized na kasulatan na nagsasaad ng kahilingan para sa pagkilala bilang Philippine Nikkei-jin
Ang kasulatan ay naglalaman ng: (i) personal na impormasyon ng aplikante (gaya ng: pangalan, petsa ng kapanganakan); (ii) maigsing paliwanag tungkol sa background ng pagiging “Philippine Nikkei-jin” at (iii) ipa-notario sa Notary Public sa Pilipinas
b. Sertipikasyon mula sa Embassy of Japan na nagpapatunay na ang aplikante ay isang “Philippine Nikkei-jin”
Ang sertipikasyon ay ibibigay kapag hiniling sa Consular Section ng Embassy of Japan.
c. Kopya ng Japanese passport o travel document
Ang proseso sa Bureau of Immigration ay nangangailangan ng mga tatlong araw ng trabaho mula sa pagsumite sa Commissioner ng Bureau of Immigration. Ipinapayong simulan ang proseso ng maaga sa iyong inaasahang petsa ng pagpunta sa Japan.
3 Para as proseso ng application at paghanda ng dokument para sa Bureau of Immigration, maaring humingi ng tulong ang isang indibidwal sa Philippine Nikkei-jin Legal Support Center (PNLSC). Kapag may paguugnayan na kayo as PNLSC tungkol as pagpapatala sa Family registry, mangyaring idirekta ang inyong mga katanungan sa kanilang Manila Office, sa address na nakalista as ibaba. Kung may iba pang tanong o paglilinaw, maaari ring tumawag at kumonsulta sa Embassy of Japan sa Pilipinas.
EMBASSY OF JAPAN IN THE PHILIPPINES
2627 Roxas Blvd., Pasay City, Metro Manila 1300
Tel. no. (02)8834-7514
Email: ryoji@ma.mofa.go.jp
PHILIPPINE NIKKEI-JIN LEGAL SUPPORT CENTER INC. (PNLSC)
Rm 322 ASI Bldg. #1518 Leon Guinto St. cor. Escoda St.
Malate, Metro Manila 1004
Tel. no. (02) 8-353-3096 / Cellphone no. 0999 881 5358
Email add. pnlsc_mla@yahoo.com / pnlscmla@gmail.com