Tungkol sa Sistema ng Specified Skilled Worker (SSW)

Visa at “Status of Residence”

Sa prinsipyo, ang mga dayuhan na nagbabalak pumasok sa Japan ay kinakailangang magpa-isyu ng “visa” mula sa Japanese Embassy (organisasyon ng Ministry of Foreign Affairs) sa ibang bansa. Gayunpaman, hindi nito ibig sabihin na maaari nang makapasok sa Japan kung mayroong visa. Pagdating sa Japan, kinakailangang sumailalim sa kinakailangang pagsisiyasat mula sa Ministry of Justice, Immigration Services Agency of Japan sa paliparan atbp., at makakuha ng “status of residence” na angkop sa aktibidad na balak mong gawin sa Japan. Makikita rito na ang “visa” at “status of residence” ay magkakaibang prosesong nasa hurisdiksyon ng dalawang magkaibang organisasyon. Ang SSW na ipinakikilala sa pahinang ito ay isang uri ng “status of residence” na bagong itinatag. May dalawang uri ang SSW: "Specified Skilled Worker" - (i) at (ii).

Mga Katangian ng SSW

Makakapagtrabaho sa Japan bilang SSW ang mga taong may 18 taong gulang pataas na nasa mabuting kalusugan. Taglay dapat nila ang kinakailangang kakayahan upang agad makapagtrabaho kahit na walang partikular na training.
Mayroon ding ibang sistemang tinatawag na “Technical Intern Training” na naglalayong magbigay ng internasyonal na kontribusyon kung saan matatamo ng mga manggagawa ang iba’t ibang teknolohiya ng Japan na natutunan sa aktuwal na training sa lugar ng trabaho, at papalawakin ang mga ito sa kanilang bansa pag-uwi nila sa sariling bayan. Sa ilalim ng sistemang ito, mayroong paraan upang magpalit ng status of residence sa kaparehong larangan ng SSW (i) para sa mga taong natapos nang maayos ang nakatakdang training, kahit na hindi na kumuha ng skill test at test ng abilidad sa wikang Hapon na JFT-Basic o JLPT N4 pataas.
Sumangguni sa sumusuod na tsart para sa mga pangunahing pagkakaiba ng SSW (i) at (ii).

Specified Skilled Worker

SSW (i): Status of residence para sa mga dayuhang manggagawa na may sapat na kaalaman o karanasan sa mga itinakdang industriya.
SSW (ii): Status of residence para sa mga dayuhang manggagawa na may kadalubhasaan sa mga itinakdang industriya.

Tagal ng Pananatili SSW (i): Maaaring magrenew hanggang sa kabuuang panahon na 5 taon
SSW (ii): Walang limitasyon sa pagre-renew
Antas ng kakayahan SSW (i): Kinukumpirma sa pamamagitan ng mga pagsusulit atbp. (ang mga dayuhang nakatapos ng Technical Intern Training (ii) ay hindi na kailangang kumuha ng pagsusulit atbp.)
SSW (ii): Kinukumpirma sa pamamagitan ng mga pagsusulit atbp.
Antas ng Kakayahan sa Wikang Hapon SSW (i): Kinukumpirma sa pamamagitan ng mga pagsusulit atbp. upang malaman ang kakayahan sa wikang Hapon na kakailanganin sa araw-araw na pamumuhay at trabaho (ang mga dayuhang nakatapos ng Technical Intern Training (ii) ay hindi na kailangang kumuha ng pagsusulit atbp.)
SSW (ii): Hindi kailangang kumpirmahin sa pamamagitan ng mga pagsusulit atbp.
Pagsama ng Pamilya SSW (i): Sa prinsipyo, hindi maaari
SSW (ii): Maaari kung natutugunan ang mga kondisyon (asawa, anak)

Ang SSW (i) ay saklaw ng suporta mula sa Accepting Organization o sa Registered Support Organization

Trabahong magagawa bilang SSW
Ang mga sumusunod ay ang mga espesipikong trabahong magagawa bilang SSW para sa bawat isa sa 16 na larangan ng industriya. Mangyaring tandaan na tanging ang SSW (i) lang ang magagamit sa larangan ng "Nursing care", "Negosyo sa Transportasyon ng Sasakyan", "Railway", "Forestry", at "Wood Industry".

Hurisdiksyon ng Ministry of Health, Labour and Welfare

  • Nursing CareBukod sa pisikal na pag-aalaga (pagtulong sa pagligo, pagkain, at pagdumi na naayon sa pisikal at mental na kondisyon ng pasyente), iba pang mga trabaho na may kaugnayan sa pagserbisyo at pagsuporta (pagsasagawa ng libangan, pagtulong sa functional training, atbp.)
    (Pansinin) Hindi kasama sa mga serbisyo ang pagbisita sa tahanan

  • Paglinis sa mga GusaliPaglinis sa loob ng gusali

Hurisdiksyon ng Ministry of Economy, Trade and Industry

  • Pag-manufacture ng mga produktong pang-industriya
    ・Machining at metal processing
    ・Electric at electronic equipment assembly
    ・Metal surface treatment
    ・Paggawa ng carton box at corrugated card board box
    ・Pag-manufacture ng precast concrete
    ・Pag-manufacture ng refuse derived paper at plastics densified fuel (RPF)
    ・Pag-manufacture ng produktong ceramic
    ・Printing/ Book binding
    ・Pag-manufacture ng fabricated textile
    ・Pananahi

Hurisdiksyon ng Ministry of Land, Infrastructure, Transport and Tourism

  • Construction Industry・Civil engineering
    ・Konstruksyon ng gusali
    ・Pang-imprastruktura na pasilidad at kagamitan

  • Shipbuilding and Ship Machinery Industries・Shipbuilding
    ・Ship machinery
    ・Ship electrical at electronic equipment

  • Automobile Repair and MaintenancePang-araw-araw na inspeksyon at maintenance ng mga sasakyan, regular na inspekasyon at maintenance, certified maintenance, basic na operasyon na nauugnay sa certified maintenance

  • Aviation IndustryAirport ground handling (pagsuporta at pagserbisyo sa mga eroplano habang nasa lupa, pag-asikaso sa mga bagahe at kargamento, atbp.), aircraft maintenance (maintenance ng mga eroplano at kagamitan, atbp.)

  • Hotel and Lodging IndustryPagbigay ng mga serbisyong may kaugnayan sa hotel at lodging tulad ng pagtatrabaho sa front desk, paggawa ng plano/relasyong pampubliko, pakikipag-ugnay sa mga customer, serbisyong may kaugnayan sa mga restawran, atbp.

  • Negosyo sa Transportasyon ng Sasakyan・Mga drayber ng motor truck
    ・Mga drayber ng taksi
    ・Mga drayber ng bus

  • Railway・Konstruksyon at maintenance ng mga track
    ・Konstruksyon at maintenance ng mga pang-elektrikal na pasilidad
    ・Maintenance ng rolling stock at pag-overhaul
    ・Pag-manufacture ng mga rolling stock
    ・Trabaho na may kaugnayan sa operasyon ng tren (mga drayber, konduktor at iba pang staff)

Hurisdiksyon ng Ministry of Agriculture, Forestry and Fisheries

  • AgrikulturaPangkalahatang pagsasaka (pamamahala sa pagbungkal ng lupa, pag-ani/pagpadala/pag-uuri ng mga produktong agrikultura, atbp.), pangkalahatang pag-aalaga ng mga hayop (pamamahala ng lahi, pagkolekta/pagpadala/pag-uuri ng livestock products, atbp.)

  • Fishery & Aquaculture IndustriesFishery (paggawa at pagkumpuni ng kagamitan sa pangingisda, paghanap ng isda at halaman sa dagat, paggamit ng kagamitan at makina sa pangingisda, paghuli ng isda/pagkolekta ng halamang dagat, pagproseso at pag-imbak ng huli, paninigurado ng kalusugan at kaligtasan, atbp.), Aquaculture industry (paggawa, pagkumpuni at pamamahala ng kagamitan sa aquaculture, pamamahala ng lahi, pagkolekta (pag ani) at pagproseso ng mga aquaculture na hayop at halaman, pagsigurado ng kalusugan at kaligtasan, atbp.)

  • Pag-manufacture ng Pagkain at InuminPangkalahatang pag-manufacture ng pagkain at inumin (Pag-manufacture/pagproseso ng pagkain at inumin (maliban sa alak) at paninigurado na malinis at ligtas ang mga ito)

  • Food Service IndustryPangkalahatang industriya ng restawran (paghanda ng pagkain at inumin, pagserbisyo sa customer, pamamahala sa restawran)

  • ForestryForestry (Pagpapalaki at pag-aalaga ng kagubatan, produksyon ng troso, atbp.)

  • Wood IndustryPagproseso ng kahoy para sa industriya ng sawmilling at plywood, atbp.

Blossom! in Japan.

Ang mga sumusunod na videos ay ginawa noong Marso 2022. Mula Abril 2024, mayroon nang 16 na larangan ng industriya.

  • Play movie in a new window:14 in demand occupations
  • Play movie in a new window:Specified Skilled Workers supported in work & life
  • Play movie in a new window:utilize your skills experience
Page Top