Pabatid sa Remaining Japanese / 2nd Generation Nikkei-jin

2024/4/29
(English)
Embassy of Japan in the Philippines
Consulate-General of Japan in Cebu
 Consulate-General of Japan in Davao
Philippine Nikkei-jin Legal Support Center (PNLSC)
 
1 Background:
   Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang mga Hapon sa Pilipinas ay sapilitang pinauwi sa Japan, at naiwan ang kanilang mga asawa at anak (sila ang tinutukoy na ‘remaining Japanese’ or 2nd Generation Nikkei-jin).
   Marami sa kanila ay nagtago sa kabundukan ng Pilipinas o sa mga liblib na lugar at namuhay sa kahirapan, nagtiis sa mahabang panahon pagkatapos ng digmaan na walang tamang pagkakakilanlan at hindi makakuha ng nationality.
 
2 Pagsisiyasat at Konsultasyon para sa pagkuha ng Japanese nationality
   Patuloy ang suporta para sa mga nagnanais na makakuha ng Japanese nationality.
   Ngayong taon, kinontrata ng Gobyerno ng Japan ang Philippine Nikkei-jin Legal Support Center para isagawa ang “18th Survey of Second-Generation Filipino-Nikkei-jin.” Nakaplano magsagawa ng mga personal na interbyu para sa pagkuha ng Japanese nationality sa mga sumusunod na rehiyon mula Mayo hanggang Hulyo 2024.
   Hindi lamang limitado sa mga nabanggit na rehiyon sa round na eto, hinihikayat ang lahat ng mga remaining Japanese na nagnanais na makakuha ng Japanese nationality mula sa iba’t-ibang lokasyon sa Pilipinas na makipagugnayan, sumangguni at kumonsulta sa mga numerong nakasulat sa ibaba. (Gagawin po namin ang lahat para makapagsagawa ng mga interbyu hangga’t maari sa ibang rehiyon maliban sa mga nakalista sa ibaba.)
   Sa paghahanda para sa personal na interbyu, nais naming hilingin sa inyo na ihanda hangga’t maari ang mga sumusunod na dokumento na magpapatunay sa iyong pagkakakilanlan tulad ng: birth certificate (o delayed registration), marriage certificate (o delayed registration) ng iyong magulang (first generation), death certificate (o delayed registration) ng iyong magulang (first generation), affidavit mula sa testigo, baptismal certificate, statelessness certificate, record ng pagkabihag, pictures na magpapatunay ng pagkakaroon ng lahi ng Hapon, school record, intertribal marriage certificates at iba pa. Ang inyong pakikipagtulungan sa pagbibigay ng mga nakasaad na dokumento ay lubos naming pinagkakahalagahan.

   "18th Survey of Second-Generation Filipino-Nikkei-jin(tentative)
   ・Mga panayam sa Palawan (Linapacan at Coron) Mayo 2-6, 2024 [isinagawa]
   ・Mga panayam sa Luzon (Manila) Mayo 27, 2024 [isinagawa]
   ・Mga panayam sa Bisaya (Cebu) Hulyo 25, 2024
                                         (Panay) bandang Agosto 2024
   ・Mga panayam sa Mindanao (lugar ay di pa tukoy) bandang Hulyo 2024
(*Note: Kung mayroon kang anumang mga karagdagang kahilingan na hindi limitado sa mga nabanggit sa itaas, mangyaring huwag mag atubiling makipag ugnay sa amin sa address sa 4 sa ibaba.)
 
3 Paraan para sa pagkuha ng certification (BI Order) mula sa Bureau of Immigration ng Pilipinas upang maipaliban ang mga multa at bayarin kapag aalis at muling papasok ng Pilipinas nang walang Philippine passport pagkatapos makuha ang Japanese nationality
   Ang pagbayad ng multa at bayarin kapag aalis at muling papasok ng Pilipinas na walang Philippine passort ng mga ‘2nd Generation Nikkei-jin’ na nakakuha ng Japanese nationality ang naging hadlang sa pagkuha nila ng Japanese nationality at pagbisita sa Japan.
   Subalit, nung Hulyo 5, 2023, sa pagkakaunawaan at pakikipagtulungan ng gobyerno ng Pilipinas, inilabas ng Department of Justice ang ‘Guidelines on Philippine Nikkei-jin’ kung saan binibigyan ng pahintulot na ipagpaliban ang pagbabayad ng mga multa at bayarin kapag nakakuha ng certification mula sa Bureau of Immigration na kumikilala sa kanila bilang “Philippine Nikkei-jin.”
   Para sa impormasyon sa proseso ng pagkuha ng certification (BI Order) mula sa Bureau of Immigration, mangyaring sumangguni sa susunod na website ng Embassy of Japan in the Philippines o makipagugnayan sa mga numero nakalista sa 4. Ikinagagalak naming kayong matulungan.
   (Filipino) https://www.ph.emb-japan.go.jp/itpr_ja/11_000001_01221.html
   (English) https://www.ph.emb-japan.go.jp/itpr_ja/11_000001_01223.html
   (Japanese) https://www.ph.emb-japan.go.jp/itpr_ja/11_000001_01222.html

   Kaugnay nito, ang unang kaso ng ‘2nd Generation Nikkei-jin’ na nilapatan ng Guidelines ay matagumpay na nakaalis ng Pilipinas na hindi pinabayad ng multa at babayarin noong Setyembre 10.
   (English) https://www.ph.emb-japan.go.jp/itpr_en/11_000001_01251.html
   (Japanese) https://www.ph.emb-japan.go.jp/itpr_ja/11_000001_01250.html
 
4 Contact Information:
Embassy of Japan in the Philippines
   2627 Roxas Boulevard, Pasay City, Metro Manila, 1300
   Tel. No.(02)8834-7514
   Email: ryoji@ma.mofa.go.jp
 
Philippine Nikkei-jin Legal Support Centre Inc. (PNLSC)
   Rm 322 ASI Bldg. #1518 Leon Guinto St. cor. Escoda St.
   Malate, Metro Manila 1004
   Tel. no. (02) 8-353-3096   / Cellphone no. 0999 881 5358
   Email: pnlsc_mla@yahoo.com / pnlscmla@gmail.com